Anonymous asked: ser panu po kayo napasok sa fliptop?
Pakipanood ito -> http://www.youtube.com/watch?v=ZFlzt1IME9U
Team BLKD din daw si Ruby Ibarra! Bisitahin ang pahina nya!
Anonymous asked: ser panu po kayo napasok sa fliptop?
Pakipanood ito -> http://www.youtube.com/watch?v=ZFlzt1IME9U
Anonymous asked: Can you post more of blkd lines? They have been a great use of me n school particularly in filipino class.. Syempre di ko naman dinidiss or pinagmumura classmates at teacher ko.l nagagamit ko kasi mga linya nya sa pagpapahayag at sa mga diskusyon.. Salamatpo more power..
Sige po. Salamat din! :)
Marami pakong ipagkakamali, kasi nga BAGO lang.
Minsan parang tanga lang, kasi nga tao lang!
(Source: worstandirresistiblegem)
disclaimer:
photo by ppsvetla|deviantart
tuck-out-deactivated20130119 asked: Ano ba nangyari sa rakista at hiphopper dun sa megamall? Di ko talaga alam =))
“Hindi ko alam kung kalian nagsimula ang hip-hop bashing noong Dekada NoBenta. Basta ang alam ko, bigla nalang kaming nahilig makinig sa LA105.9 para antayin yung mga beeper messages laban sa mga paksyet. “If you have messages for the hip-hoppers, you may send them through Easycall 246142”. Pagkatapos ng ilang kanta ay babasahin ni The Doctor ‘yung mga uncensored messages. Ang LA105.9 ay isa sa mga pinakamaimpluwensyang istasyon sa radyo noong panahon ng gitara. Mantakin mo, napag-away nila ang mga hip-hoppers at metal.
“Mga hip-hop, magtanim nalang kayo ng kamote…Mga hip-hop, mag-ingat kayo kasi aabangan namin kayo sa Megamall… Mga hip-hop, magtago nalng kayo sa saya ng nanay niyo.” Suwerte mo kung mabasa pa ang message mo sa dami ng mga nagpapadala.
Ang malufet sa station na ‘yun, may mga pagkakataong may mga nagbi-beep (daw) na hip-hoppers. Babasahin nila ito kaya lalong magagalit ang mga metal at tatawag sa operator para makipagsagutan.
Isa pa sa natatandaan kong ginawa ng LA105.9 ay pinag-guest nila si Robert Javier ng The Youth. Kinanta nila yung “Multong Bakla” pero iba ang lyrics tapos ginawang “ Multong Hip-Hop” ang title. Parang naging mortal sin ang pagiging hip-hopper dati.
Sa mga malls, mahirap makapasok kapag grupo kayong pupunta. Haharangin lang kayo ng guard kapag nakita kayong lahat na nakaitim na rock shirts. Ang tingin sa inyo ay mga basagulero, adik, satanista at kung anu-ano pang wala nang mas sasama pa. Ganun din ang sa mga hip-hoppers na sumasayad ang mga crotches sa sahig, hirap silang makapasok sa malls kapag sama-sama. Away o gulo lang ang tanging nakikita ng mga jaguars sa dalawang grupo.
Marami akong karanasan na nakitang naghahabulan ang mga hip-hoppers at metal sa Robinson’s Galeria at SM Megamall. Talagang nag-susuntukan dahil lang sa simpleng asaran. Kaya madalas may mga headlines sa tabloids dati tungkol dito.
Tumindi lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawang tropahan nang gumawa ang isang hip-hop group g kantang pinamagatang “Bolanchaw”. Hindi ko alam ang taang pagkakabaybay pero ang ibig daw sabihin nito sa salitang Intsik ay “walang bayag”. Nakakaasar naman talaga yung chorus na ”Bolanchaw, bolanchaw, ang mga punks ay bolanchaw…”.
Kapag nagpupunta kami sa mga konsiyerto, kawawa ang mga nakakasalubong na hip-hoppers ng mga punks. Bugbog-sarado. Pero wala naman akong nabalitaang may kinatay talaga, bugbugan lang.
The “hidwaan” ay nagtapos nang ang mga tulad ng Rage Against the Machine ay sumulpot. Biglang naisip ng mga metal na puwede palang mag-rap kasama ang gitara. Lumabas ang Erectus, Skrewheds, Dogbone at iba pang mga banda. ‘Yung LA105.9, biglang naging taga-suporta ng alterna-rap. Naging tambayan na ng mga hip-hoppers at metal ang skating rink ng Megamall. Peace na sila sa wakas.
Kapag naaalala ko ang panahon ng “hip-hoppers vs. metal”, ang tanging naaalala ko ay si Punk Zappa, ang makulit na karakter ng album filler ng Circus album mula sa Eraerheads. Ang malufet niyang bitiw ng mga salita ay sumasalamin sa panahong hip-hop-phobic ang mga kabataang Pinoy.”
Mula sa: http://no-benta.blogspot.com/2009/08/pag-ibig-koy-metal.html